top of page

THE BEST KIND OF DOG IS RESCUED

  • Luzviminda Anne Santos Morales
  • Oct 4, 2016
  • 4 min read

My Dog Inspired me To Help More STRAYS Nais ko pong ibahagi ang storya ni Marga Naway maging inspirasyon sa iba at makahimok na magrescue o magadopt na lang kesa bumili habang naparaming aso at pusa ang namamatay minamaltrato sa daan walang bahay na masilungan namamatay sa gutom at nasasagasaan. Nakita ko sya nung February 10 2016 Mga 1 ng tanghali ng ililibing ko na ang aso ko na rescue ko din na si Twinkle sa Paws sumakay kami sa taxi sa Moriones pero habang tatakbo di kami nagkasundo sa presyo 500 daw hanggang paws kasi trapik daw sabi ko wala ako ganoon pera at ang mahal naman. Bumaba kami pabalik at naglakad upang humanap ulit ng masasakyan na taxi doon ko na sya nakita alam ko kahit wala na si Twinkle na isa ko ring Rescue gusto nya na di ako malungkot at may maalagaan ako na ibang aso na kailangan din ng atention pagmamahal at tamang pagaalaga. Nakita ko si Marga nakahandusay sa Plaza Morga sa Moriones kinunan ko ng pic sabi ko ipopost ko sa fb kasi may dala ako aso na ililibing ko mamaya ko pa mababalikan kung sakali baka masaraduhan kasi ako ng Paws. At yun nga tinext ako ni Gaieanne Barbacena tinanong nya kung san sa moriones sabi ko kita kami 7 11 tapos sumunod si Lo-vie Tizon at 3 kami nagtulong para makuha si Marga nagambagan kami para madala sya sa vet salamat kina lovie at gaieanne sa pagtulong noong time na yun. Sabi ko sa sarili ko baka may purpose si Lord at si Twinkle kaya ko nakita si Marga. Pinavet ko sya thankful ako sa mga tumulong sa kanya sa vet at sa gamot nya. Nung una ko sya pinagamot may Ascites sya at may 2 uri ng worms pinadeworm.sya ng vet mwron din sya liver problem noon. At malalang Erlichia. Pero lahat ng ito ay gumaling salamat kay Lord at sa mga tao na ginamit ni Lord para maging instrumento para gumaling si Marga. Akala ko wala na pagasa kasi sa unang vet na pinagdalan namin tinapat na kami na madami sya sakit. Pero totoo yata na may himala. Heto na si Marga ngaun ERLICHIA SURVIVOR. Kahit ako di ako makapaniwala kasi si Twinkle 2 araw lang patay sa Erlichia ng marescue ko kasi si Twinkle puno talaga ng garapata.Chronic case naman ang kay Twinkle lumabas ang sintomas ng malala na biglaan lang tlaga. Siguro gagamitin ko na din ito testimony sa kabutihan ni Lord Walang Imposible sa Kanya. Kahapon pagdating asawa ko sabi nya nakita nya dun sa pinanggalingan ni Marga may aso muntik masagasaan kaya pinuntahan namin kagabi at yun nga nakausap namin yung dating mga may ari kay Marga. Si Mang Alex at Darwin ata yung isa sabi nila totoo daw madami sila alaga aso mahirap lang sila pero mahal naman daw nila mga aso nila nagtitinda lang sila sa Divisoria ng bawang at sibuyas. Si marga daw nagkasakit noon nagdadasal daw si Darwin na sana may himala daw na may maawa kay marga at maipagamot sya kahit ibigay na daw nila si Marga. At di daw sila makapaniwala na ayun nga dumating nga kami para tulungan si Marga yung aso daw nila dati nahuli ng pound sa vitas pero tinubos pa din daw nila ung mga puppy naman ngaun na 5 balak daw nila iuwi sa isabela para bantay daw sa palaisdaan o kung may magadopt siguro baka ipaadopt nila.si marga lang daw ang kulay brown at sya lang ang babae "NENENG" daw ang pangalan ni Marga. Akala nila mamatay na si Marga dati wala naman sila magawa. Di nila madala sa vet si Marga may bumibili nga daw dati kay Marga Student ata at Mangangatay di daw nila ipinagbili 1 kapatid na lang din ni Marga ang natira ata lalaki at kulay White. Sabi ng asawa ko nakausap nya naman si Mang alex sabi daw namatau na daw ibang kapatid ni Marga ako kasi kausap ko naman si Darwin noon. Hanggang mgaun di pa din ako makapaniwala tlagang nagpapasalamat lang ako sa pagaadya ng panahon na magkrus ang landas namin ni Marga. Nawala man si Twinkle masakit para sa akin pero alam ko di ako iniwan ni Twinkle kasi yung mga kilos ni Twinkle nakikita ko kay Marga ngaun parehong pareho sila. Basta parang Magic lang at Himala ang lahat alam nyo yung pinagtagpo kayo ng kapalaran. Pinakita ko nga sa kanila picture ni Marga kagabi natutuwa sila sabi ang laki at taba na daw ni Neneng. Masaya ako na may isang buhay na naman ako na natulungan na mabago at magkaroon ng SECOND CHANCE para mabuhay. Kaya sana sa makakabasa nito sana maging inspirasyon sa inyo na magrescue o magadopt na lang ng mga kawawang hayop sa kalsada. Lahat naman ng hayop gaganda pag naalagaan ng tama di na natin kailangan bumili pa ng may breed samantalang ang daming aso at pusang namamatay sa daan. Sa ngaun masaya nang nabubuhay ng maayos at kapiling namin busog sa pagmamahal si Marga kapon na din sya para di sya maganak at di na dumami.pa ang unwanted animals na walang bahay at nagaalaga masaya ako dahil ibinigay ng Diyos sa akin si Marga at ginamit nya akong instrumento para mabago ang buhay nya. Sa ngaun may 5 kaming Aso na Rescue at 73 na pusa na Rescue din at sila ay kapon na din mas masarap ung may buhay ka na naisalba kahit may matulungan ka man paisa isa dahil sa totoo lang nakakadepressed na araw araw minuminuto may mga aso at pusa na nagdurusa sa daan walang nagmmaahal at nagaalaga at namamatay lang dahil na din sa pagiging iresponsable ng ilang owners. Kaya sana bawat isa sa atin makatulong din sa munting paraan. Magadopt magrescue at ipakapon natin ang ating mga alaga. Yun lang God bless Us All!!! :) Please 1.Do Not Breed or Buy While Homeless Pets DIE 2.Spay and Neuter your Pets to Avoid Unwanted Animals 3.Adopt Dont Shop All Animal LivesMatter 4.No to Pet Discrimination Educate Dont Discriminate 5.Mahalin ang Sariling Atin Be Proud to Our Aspins and Puspins


 
 
 

Comments


Featured Posts
Recent Posts
Archive
Search By Tags
Follow Us
  • Facebook Basic Square
  • Twitter Basic Square
  • Google+ Basic Square

© 2016 by CAMANAVA PACK.  Proudly created with Wix.com

bottom of page