top of page

A Dog named Patras

  • Jessy Tuazon
  • Oct 4, 2016
  • 2 min read

My Dog inspire me to continue fight for my life despite all the pain and struggles being diagnosed with Multiple Sclerosis and Spinal Tumor with lots of complications like autonimic dysreflexia, heart prob, kidney prob and throracic khyposis.


Sya ang nakasama ko at matyagang dinamayan ako sa laban ko sa buhay hanggang ngayon. Umabot ako sa sitwasyon na nagka depression at anxiety ako dahil sa sakit ko at sa dami ng nawala sakin, pero ng dumating sya sa buhay ko napasaya nyako, araw araw at gabi gabi nyako kasama dito sa higaan ko, napapatawa nyako sa mga kalokohan nya at higit sa lahat alam nya ko i comfort pag hindi ko na makayanan ang sakit, hihiga sya sa tyan ko o braso tulad ng mga nasa litrato at prang yayakapin ako hanggang unti unti akong giginhawa dahil sa pag haplos ko sakanya "kahit hindi ko sabihin alam nya pag may nararamdman ako".


Hindi ko sya na train maging service or therapy dog pero alam na alam nya ang gagawin nya pag may emergency ako at tatawag sya ng tulong para puntahan ako sa kwarto ko, marunong din sya mag poop at wiwi sa labas, hndi sya naninira ng gamit, at sya din ang nag papastol ng mga manok sa labas pag hapon.


Dahil sa pagka paralyzed ko ng 3 taon minabuti kong ibigay ang kalayaan ng Boy Friend ko para ipagpatuloy ang buhay nya at makapag trabaho kesa sa alagaan ako, kala ko mahirap harapin ang lahat ng adjustment pero hindi pala dahil kay Patras hindi ko naramdaman ang lungkot at pag iisa.

Ang pinaka bonding namin araw araw sabay kami gigising, sabay kakain ng almusal, lunch at dinner at after nya kumain aakyat na ulit sa bed at hahalikan kamay ko parang sinasabing "salamat sa pagkain-masaya at mabusog po ako"...


Tuwing pinagmamasdan ko sya at hinapalos laking pasalamat ko sa Panginoon at binigay sya sakin, dahil sakanya hndi ko na ramdam na mag isa ako sa laban ko sa buhay.


Totoo ang kasabihan na kayang kang iwanan ng ibang tao pero hinding hindi ka iiwan ng isang mapagmahal na Aso na nagpakita ng pagmamahal na higit pa sa pagmamahal nya sa sarili nya.



 
 
 

Comments


Featured Posts
Recent Posts
Archive
Search By Tags
Follow Us
  • Facebook Basic Square
  • Twitter Basic Square
  • Google+ Basic Square

© 2016 by CAMANAVA PACK.  Proudly created with Wix.com

bottom of page